Sabado, Nobyembre 26, 2011

suring-basa


SURING-BASA
(Ikalawang Markahan)


Pamagat ng Akda: Moses, Moses
Ipinasa ni: Jerlyn Mae H. Escalante
Yr. & Sec. : IV-SSC
Ipinasa kay : Bb. Joy Jeciel


I. Pagkilala sa May-akda
     Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nga-udyok sa kanyang likhain ang isang akda.
     Ang tao sa likod ng akdang "Moses, Moses" ay walang iba kundi si Rogelio R. Sicat. Siya rin ang lumikha ng akdang "Sa Lupa ng Sariling Bayan". Ang mga bagay na nag-udyok sa kanya upang buuin ang akdang ito ay ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang isinusulat at mga naniniwala sa kanyang kakayahan. Naging inspirasyon din ang mga mambabasa at makababasa nito sa hinaharap.

II. Uri ng Panitikan
     Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.
     Ang akdang ito ay nasa uring dula. Isa itong dulang trahedya. Ito ay nagpapakita ng malulungkot na pangyayari o tagpo. Ang dula ay sadyang kinasangkapan upang ipahayag ang hangad na hustisiya.

III. Layunin ng Akda
     Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta atbp.
     Layunin ng akda na ipabatid sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pag-iisip muna bago umaksyon. Ipinapaalam din nitong tatlo lamang ang nagkakaroon ng hustisiya sa ngayon. Iyong malalakas, iyong makapangyarihan at iyong mayayaman.

IV. Tema o Paksa ng Akda
Ito ba'y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan, mag- aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa?
     Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa pagkakaroon ng hustisiya ng isang ina para sa kanyanganak. Nakatuon din ito sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang desisyon o pag-iisip ng maraming beses bago kumilos ang isang tao at isagawa ang kilos o aksyon.


V. Tauhan
     Ang mga karakter ba'y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumikha, nagwawasak, nabubuhay o namamatay?
     Regina Calderon- balo, isang maestra
     Tony- panganay niyang anak
     Aida- anak niyang babae na ginahasa
     Ben- bunso niyang anak
     Ana- matandang dalaga, kapatid ni Regina
     Ang Alkalde- nagpapaurong kay Regina ng kaso ng anak     Ang Konsehal- kasama ng alkalde papunta sa bahay ni Regina
     Ang Pulis- kasama ng mayor at huhuli kay Tony

VI. Tagpuan
     Binibigyang- pansin sa panuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.
     Ang akda ay naganap sa bahay ng pamilya ni Regina kung saan nagtungo ang alkalde upang makipagareglo at upang hulihin ang anak ni Regina na si Tony. Sa bahay din naganap ang pagbaril niya sa sarili niyang anak.

VII. Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari
             Isa bang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang pangyayaring maybagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari mula sa simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahihiwatig ng kabuuan ng akda? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
            Inutusan ni Regina si Tony na ibili ng gamot si Aida ngunit lingid sa kaalaman ng ina ay dala pala ni Tony ang baril ng ama. Umaga na umuwi ito at umaming nakapatay. Pinasuko ng ina ang anak. Nang dumating ang mga pulis ay agad hinuli si Tony at sinipa palabas ang binata. Dahil sa nakitang pananakit, binaril na lamang ng ina ang anak na siyang ikinamatay nito. Sa ganitong pangyayari, dinala sa presinto si Regina upang papanagutin sa kanyang kasalang pagpatay sa anak.

VIII. Kaisipan/Ideya ng May-akda
     Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, mabago o palitan. Ito ba ay makatotohanan sa unibersal, likas sa tao sa lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
     Inutusan ni Regina si Tony na ibili ng gamot si Aida ngunit lingid sa kaalaman ng ina ay dala pala ni Tony ang baril ng ama. Umaga na umuwi ito at umaming nakapatay. Pinasuko ng ina ang anak. Nang dumating ang mga pulis ay agad hinuli si Tony at sinipa palabas ang binata. Dahil sa nakitang pananakit, binaril na lamang ng ina ang anak na siyang ikinamatay nito. Sa ganitong pangyayari, dinala sa presinto si Regina upang papanagutin sa kanyang kasalang pagpatay sa anak.
IX. Istilo ng Pagkakasulat
     Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda?Ito ba'y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mga mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?
     Epektibo ang mga salitang ginamit sa akda. Madali naman itong naunawaan ng mambabasa. Masining ang pagkakalikha ng akda at kaabang abang ang susunod pangyayari sa kuwento. Umangkop sa panlasa ng mga mambabasa ang kuwento dahil makatotohanan ito.


X. Buod
     Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang- tuon.
     Napagkuwentuhan nina Regina at Ana ang tungkol sa kanilang buhay, bakit sila napunta sa lugar na iyon at kung paano napahamak si Aida. Nagulantang sila nang dumating ang alkalde at may kasama. Humanga ito sa maayos na pamamahay ng mag-iina. Tuwiran na niyang tinanong ang Alkalde kung ano ang pakay nito. Pinagsabihansiyang iurong na ang demanda laban sa anak nito sapagkat wala namang mangyayari kung ito man ay matuloy dahil ang kalaban niya ay ang mismong Alkalde.
     Dahil doon, tinanong niya ang alkalde na ano raw ba ang madarama mito kung sa kanyang anak na babae nangyari ang panggagahasa. Isinalaysay niya sa kaharap ang ginawa niyang pangangalaga sa anak na nawala sa isang iglap. At ngayon ay pagsasabihan siya nitong maging praktikal at iurong ang demanda. Dumukot sa bulsa ng polo shirt ang alkalde at iniaabot kay Regina ang isang sobre at sinabi ditong tanggapin iyon bilang tulong. Sinampal niya ang alkalde atpinalayas.
     Nasaksihan iyon ni Tony at nagtitimping sinabi na tatlo lamang sa ngayon ang nagkakaroon ng hustisiya: ang malalakas, ang makapangyarihan at mayayaman. Nagtalo ang mag-ina at nagbanta si Tony na gaganti raw siya at papatay. Inutusan ni Regina si Tony na ibili ng gamot si Aida ngunit lingid sa kaalaman ng ina ay dala pala ni Tony ang baril ng ama. Umaga na umuwi ito at umaming nakapatay. Pinasuko ng ina ang anak. Nang dumating ang mga pulis ay agad hinuli si Tony at sinipa palabas ang binata. Dahil sa nakitang pananakit, binaril na lamang ng ina ang anak na siyang ikinamatay nito. Sa ganitong pangyayari, dinala sa presinto si Regina upang papanagutin sa kanyang kasalang pagpatay sa anak.

1 komento:

  1. .. mam .. TY dahil dto mkaka gawa na rin po aku ng project ku .. ty po tlaga .. !

    TumugonBurahin